Ang Monumento ni Rizal sa Baliuag, Bulacan
*Ang unang monumentong
ito ni Rizal ay itinayo noong unang mga taon ng 1900 at unang ipinag-diwang ang
Rizal Day sa bayan ng Baliwag noon Disyembre 30, 1905. Ginunita ng grupong “
Magbangon sa bayan” na binubuo nina Francisco De Leon, Marcelo Camacho, Antonio
Llanos at iba nitong mga kasama.
Ipinangilak ng grupo ang monument upang maipatayo nito ang bantayog sa halagang
6 na piso at 60 sentimos.
*Sa pag diriwang ng
Rizal Day sa bayan ng Baliwag ito ay lalong nagging masaya. Ang bayan ng
Baliwag ay nag karoon ng patimpalak at parada. Magandang binibi na sakay ng
magagarang karosa. Si Aurora Enrile ang uang nabigyan ng titulo na Miss Rizal
Day noon Disyembre 30, 1930.
*Makalipas ang 20 taon tuluyang binago ang monumento ni Rizal sa pangunguna noon dating Mayor Rustia at mga kasamahan nito. Lumikha sila ng kakaibang monument ni Rizal na may kasamang babae na sumisimbolo sa Inang Bayan. Si Ginoong Roman Carreon ang eskultor ng nasabing bantayog sa halagang 8,630 pesos lamang.
*Marami ng naitalang makasaysayan pag tatanghal tulad nalang sa sarzuela, balagtasan at iba pang mahahalagang pag titipon na nagging saksi ang bantayog ng ating Pambansang Bayani sa nasabing Bayan. Kahit na dumating ang banyagang Hapon upang sakupin ang bansa nanatili pa din nakatayo ang rebulto
Sanggunian:
http://bbulakenyo.blogspot.com/2016/11/baliwag-rizal-patk-91.html




Nakakatuwa na bilang isang mag-aaral na Pilipino ay patuloy pa din nating inaalala at isinasa puso ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Masasabi ko na makatutulong itong blog na ito para sa mga mag-aaral na nais aralin ang buhay o mga nagawa at napagtapusan ng ating pambansang bayani
ReplyDelete