Tuesday, December 4, 2018

Ang Monumento ni Rizal sa Baliuag, Bulacan

              

               Ang Monumento ni Rizal sa Baliuag, Bulacan









*Ang unang monumentong ito ni Rizal ay itinayo noong unang mga taon ng 1900 at unang ipinag-diwang ang Rizal Day sa bayan ng Baliwag noon Disyembre 30, 1905. Ginunita ng grupong “ Magbangon sa bayan” na binubuo nina Francisco De Leon, Marcelo Camacho, Antonio Llanos at iba nitong mga  kasama. Ipinangilak ng grupo ang monument upang maipatayo nito ang bantayog sa halagang 6 na piso at 60 sentimos.














*Sa pag diriwang ng Rizal Day sa bayan ng Baliwag ito ay lalong nagging masaya. Ang bayan ng Baliwag ay nag karoon ng patimpalak at parada. Magandang binibi na sakay ng magagarang karosa. Si Aurora Enrile ang uang nabigyan ng titulo na Miss Rizal Day noon Disyembre 30, 1930.















*Makalipas ang 20 taon tuluyang binago ang monumento ni Rizal sa pangunguna noon dating Mayor Rustia at mga kasamahan nito. Lumikha sila ng kakaibang monument ni Rizal na may kasamang babae na sumisimbolo sa Inang Bayan. Si Ginoong Roman Carreon ang eskultor ng nasabing bantayog sa halagang 8,630 pesos lamang. 











*Marami ng naitalang makasaysayan pag tatanghal tulad nalang sa sarzuela, balagtasan at iba pang mahahalagang pag titipon na nagging saksi ang bantayog ng ating Pambansang Bayani sa nasabing Bayan. Kahit na dumating ang banyagang Hapon upang sakupin ang bansa nanatili pa din nakatayo ang rebulto













*Sa kasalukuyang panahon ay naka tayo pa din ang monument ni Rizal sa bayan ng Baliwag na 93 taon na nakatindig. Sa pamumuno ng kasalukuyang punong bayan ng Baliwag nais nitong hilingin na maideklara na “ Important Cultural Property” ng Pambansang Museo. 









Sanggunian:

http://bbulakenyo.blogspot.com/2016/11/baliwag-rizal-patk-91.html

Ang Monumento ni Rizal sa Baliuag, Bulacan

                               Ang Monumento ni Rizal sa Baliuag, Bulacan *Ang unang monumentong ito ni Rizal ay itinayo n...